3 tumba sa road mishap

SANTIAGO CITY, Philippines – Tatlo-katao ang kumpirmadong namatay sa naganap na magkakahiwalay sa road mishap sa Isabela kamakalawa. Base sa police report, si Dennis Felipe, 33, ng Barangay Lalog 2 sa bayan ng Luna, na sinasabing lango sa alak ng sumalpok ang motorsiklo nito sa isang kalabaw sa gilid ng highway sa Brgy. San Fermin, Cauayan City. Samantala, si Fernando Alejandro Jr., 30,  na nakiangkas lamang sa motorsiklo ni Gener dela Cruz, ay nasawi  matapos su­malpok sa road railing sa kurbada ng Barangay Muñoz West sa bayan ng Roxas. Namatay din ang 70-anyos na si Rosalinda Antonio matapos salpukin ng motorsiklo ni Gerald Rivero habang ito ay tumatawid kalsada sa Brgy. San Carlos sa bayan ng Benito Soliven.

Show comments