Estudyante pisak sa trak

QUEZON, Philippines - Humabol sa pagdaraos ng Undas ang 17-anyos na estudyante matapos na mabundol ng motorsiklo at masagasaan pa ng trak sa kahabaan ng highway sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon, kamakalawa ng madaling araw. Nagkalasug-lasog ang biktimang si Mikko Robles, estudyante ng DLSP San Pablo City. Ayon kay SPO1 Noriel Banaag, tumatawid sa highway ang biktima nang mabundol ng motorsiklo na minamaneho ni Jomar Montejo.Tumilapon ang biktima at pagbagsak sa sementadong kalye ay nasagasaan pa ito ng 10- wheeler truck na hindi huminto matapos ang aksidente. Iniimbestigahan ngayon ang driver ng motorsiklo habang inalarma na ang lahat ng police station laban sa trak na nakasagasa sa biktima. 

 

Show comments