^

PM Sports

Wala pa sa pamatay na porma si Manny

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Bagama’t ilang beses nang nag-eensayo si Manny Pacquiao ay wala pa rin sa kanyang pamatay na porma ang Filipino world eight-division champion.

Ito ang naging ob-serbasyon ni chief trainer Freddie Roach nang makasama si Pacquiao sa isang training session noong Lunes sa Elorde Gym sa Mall of Asia grounds sa Pasay City.

Sinabi ni Roach, tahimik na dumating sa bansa noong Linggo na wala sa tiyempo ang galaw ni Pacquiao dahil matagal na nabakante sa pagsasanay ang Senador.

Huling lumaban ang 38-anyos na si Pacquiao noong Nobyembre ng nakaraang taon kung saan tinalo niya si Jessie Vargas para agawin sa Mexican-American ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown.

Ang naturang titulo ang idedepensa ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs) laban kay Australian challenger Jeff Horn (16-0-1, 11 KOs) sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Kasamang dumating sa bansa ni Roach si strength coach Justin Fortune.

Nadismaya si Roach nang sumalang si Pacquiao sa sparring session kay Leonardo Doronio.

“I mean, the second day of sparring today is maybe the worst that I’ve seen him spar,” wika ni Roach.

Ayon kay Roach, dapat ay 10 rounds na sparring na ang ginagawa ni Pacquiao ngayon imbes na limang rounds para makuha ang kanyang lakas at bilis sa oras na labanan niya si Horn.

Walang dinala ang American trainer na sparring partner ngunit sinabing may darating na makakasabayan ni Pacquiao sa susunod na mga araw mula sa US.

Kumpiyansa si Roach na magaang na tatalunin ni Pacquiao si Horn, isang 29-anyos na dating school teacher sa Brisbane.

Ngunit ayaw magkumpiyansa ni Pacquiao.

Ayon kay ‘Pacman’, ang lahat ng kanyang nakakalaban ay hindi niya binabalewala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with