^

PM Sports

Meralco binuhay ang pag-asa

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Meralco binuhay ang pag-asa
Hinablot ni Meralco center Raymond Almazan ang rebound laban kina Phoenix forward Matthew Daves at guard Kent Salado.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kinuryente ng Meralco ang Phoenix, 82-76, upang buhayin ang pag-asa nito sa playoffs ng 2024 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot ng kumpletong 18 points, 4 rebounds at 4 assists sahog pa ang tig-isang steal at tapal si Aaron Black upang ban­de­rahan ang krusyal na panalo ng Bolts mula sa da­lawang sunod na ka­bi­guan.

Angat ngayon ang Me­ralco sa 4-5 upang pan­samantalang maagaw ang ika-walong puwesto mula sa NorthPort na may 4-6 kartada.

Nagawa ito ng nga ba­taan ni coach Luigi Trillo sa tulong ng 15, 14 at 13 points nina Chris Newsome, Chris Banchero at Allein Maliksi, ayon sa pagkakasunod, habang may tig-anim na marka sina Cliff Hodge at Anjo Ca­ram.

Sahog sa kampanya ni Hodge ang 13 rebounds, tatlong assists, tatlong blocks at isang steal.

Subalit hindi ito na­ging madali nang muntik malustay ng Bolts ang komportableng 75-64 abante sa huling apat na minuto matapos ang lay-up ni Hodge.

Nagpakawala ng 13-4 bomba ang Fuel Masters sa lay-up ni Javee Mocon upang makalapit sa 74-77 sa huling 42 segundo sa orasan bago selyuhan nina Banchero at Bong Quinto ang tagumpay para sa Bolts.

Nagkasya lamang sa li­­mang puntos ang ace player na si Jason Perkins at tanging sina Ken Tuffin at Kent Salado na may 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod, ang nakapagpasiklab para sa Fuel Masters na lumaga­pak sa 3-7 kartada.

Samantala, haharapin ng Barangay Ginebra ang sibak nang Converge ngayong alas-6:15 ng gabi sa Aquilino Pimentel, Jr. International Convention Center sa Cagayan De Oro City.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with