^

PSN Showbiz

Vice, tuloy ang power trip sa Showtime?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Vice, tuloy ang power trip sa Showtime?!
Vice
STAR/ File

Medyo alarming ‘yung mga balita na nagpa-po­wer trip si Vice Ganda. Balita ngang parang siya na ang nagpapatakbo ng It’s Showtime, siya na ang nasusunod sa lahat ng galawan ng programa.

Marami pang horror story na kumakalat sa pagbabago diumano ng ugali ni Vice at parang marami na ring mga tao ang nasasaktan sa mga ginagawa raw nito.

Well, baka naman dahil na rin overworked at pressured si Vice kaya kung minsan medyo off ang mga ginagawa niya, pero sana maayos niya ito bago maging huli ang lahat.

Paano ka magiging kampante sa comedy kung maraming tao ang inis o galit sa iyo. Siyempre affected din ang performance mo. Para tumagal kayo ng gaya ng Eat Bulaga, dapat very family ang sama­han n’yo. Lahat masaya, lahat comfortable, walang may tampo. Dapat sincere ang samahan, walang mataas o mababa. ‘Yung team playing importante, may malasakit kayo sa isa’t isa.

Sana nga hindi totoo ang mga kumakalat na balita.

Quezon City, walang mintis ang garbage collection                                     

Hanga naman ako sa regular garbage collection ng Quezon City. Talagang kahit noong holidays, regular ang pagkuha ng basura.

Ang husay ng garbage management ni Mayor Joy Belmonte, walang tatalo.

Kaya ang linis ng mga lugar sa QC.

Sabi nga ni RJ Belmonte talaga raw kahit ilang beses nag-positive tuluy-tuloy pa rin ang hands-on na pamamahala ni Mayor Joy kaya sila ang natatakot para sa health nito.

Bongga talagang dahil talagang hindi pa nagmintis ang pagkuha ng basura sa subdivision namin ha, in fairness talaga.

Kaya forever Joy sa QC.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with