^

Probinsiya

Parte ng katawan ng tao, nahukay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  - Nabulaga ang mga obrero nang bigla nilang mahukay ang ilang parte ng katawan ng isang tao sa construction site ng ginagawang CALAX Expressway sa Brgy. Navarro. Gen. Trias City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng pulisya, alas-11 ng umaga nang madiskubre ang mga parte ng katawan ng isang tao sa kahabaan ng pampang ng Ylang Ylang River sa Brgy. Navarro ng nasabing lungsod.

Gamit ang backhoe, kasalukuyang naghuhukay ang mga obrero para sa itatayong barracks ng mga manggagawa rito sa gagawing expressway nang bumulaga sa kanila ang mga parte ng kata­wan ng tao.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, malamang na ibinaon umano ang biktima na posibleng bik­tima ng pagpatay.  Ina­alam pa ang pagkakaki­lanlan sa biktima na hindi pa matukoy kung lalaki o babae.

vuukle comment

CALAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with