^

Probinsiya

Magpinsang dalaga timbog sa P1 milyong shabu

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, ­Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang magpinsang dalaga matapos maaresto nang masamsaman ng nasa P1-­milyong halaga ng shabu sa buy-bust ­operation ng mga pulis sa Brgy. Calauag ng lungsod na ito ­kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Ronna Geroy Balcueva, 29-anyos na kabilang sa database ng mga illegal drug suspects, residente ng Amarillo St., Clupa at Jacqueline Palacios Geroy, 29-anyos ng Artamisa St., Clupa; kapwa ng naturang lungsod.

Sa ulat ni PRO5 regional director Brig. Gen. Jonnel Estomo, sa tulong ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 5 dakong alas-5:45 ng ­umaga ay ikinasa ng mga tauhan ng Naga City Police Office ang buy-bust laban sa dalawang dalaga. Nang iabot ni Balcueva sa poseur buyer ang biniling isang malaking plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P75,000 ay agad silang inaresto.

Nang kapkapan, nakuhanan pa ang mga suspek ng isang pakete na may lamang shabu na tumi­timbang ng 125 gramo na may street value na P850,020. 

Sa kabuuan ay umaabot sa P1,020,000 ng droga ang ­nakumpiska sa dalawa.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with