^

Probinsiya

2 motorsiklo nagsalpukan: 2 patay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 motorsiklo nagsalpukan: 2 patay
Ayon sa ulat ng President Roxas Police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Labou, Cotabato City. Papauwi na si Buenaflor sakay ng kanyang motorsiklo­ galing sa pano­nood ng Christmas lights decor sa town proper nang makabangga nito ang kasalubong na si Sangco.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kapwa patay ang mga driver ng dalawang motorsiklo matapos silang magsalpukan sa Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Hermi­gildo Buenaflor at Nilo Sangco na mga resi­dente sa bayan ng President Roxas­, Cotabato.

Ayon sa ulat ng President Roxas Police, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa Brgy. Labou, Cotabato City. Papauwi na si Buenaflor sakay ng kanyang motorsiklo­ galing sa pano­nood ng Christmas lights decor sa town proper nang makabangga nito ang kasalubong na si Sangco.

Naisugod pa sina Buenaflor at Sangco sa ospital pero kapwa idineklarang dead-on-arrival ng mga doktor.

Nakaligtas naman­ ang asawa at anak ni Buenaflor na noo’y ka­angkas niya.

Sinabi ng ilang resi­dente na wala uma­nong­ ilaw ang motorsiklo na minamaneho ni Buenaflor kaya na­kabanggaan nito ang kasalubong na motorsiklo.

vuukle comment

HERMI­GILDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with