^

Probinsiya

Panuntunan sa 3-day vax drive sa Sorsogon, inisyu ni Chiz

Pilipino Star Ngayon
Panuntunan sa 3-day vax drive sa Sorsogon, inisyu ni Chiz
Sorsogon Gov. Chiz Escudero speaks to the public at the Philippine International Convention Center in this photo uploaded on his official Facebook page on Mar. 7, 2020.
Photo from Chiz Escudero via Facebook

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang Executive Order (EO) 32-2021 na naglalaman ng mga panuntunan para sa lahat ng lokal na pamahalaan ng probinsya sa pagsuporta sa “Bakunahan, Bayanihan National COVID-19 Vaccination Days” mula Nobyembre 29-Disyembre 1.

Sa EO, pinagtibay ni Escudero ang buong pagsuporta ng pamahalaan ng probinsya sa tatlong araw na vaccination drive sa buong bansa sang-ayon sa Presidential Proclamation 1253 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing tatlong araw na kampanya sa bakuna, tina-target ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatayang 15 milyong kuwalipikadong Pilipino sa lahat ng lugar sa bansa.

“Buong-buo na sinusuportahan ng pamahalaan ng probinsya ng Sorsogon ang tunguhing ito at nilalayong gabayan ang operasyon nito sa probinsiya na dati nang naglabas ng mga panuntunan sa kung papaano mapapabilis at mapapalawak ang pagbabakuna sa lokal,” anang gobernador sa EO na pinirmahan niya noong Miyerkules.

Inatasan ni Escudero ang lahat ng alkalde na suportahan ang programa at himukin nila ang lahat ng tanggapan at ahensya ng lokal na pamahalaan na magtalaga at payagan ang lahat ng kani-kanilang healthcare workers na sumali sa aktibidad.

Base sa EO, tina-target ng probinsiya na bakunahan ang 53,586 na Sorsoganon araw-araw sa 14 munisipalidad at isang lungsod sa tatlong araw na vaccination drive.

Sa huling numero noong Nobyembre 23, nabakunahan na ng Sorsogon ang 60% ng target population nito o katumbas ng 356,433 indibiduwal.

vuukle comment

EO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with