^

Probinsiya

Mangingisda ­kinatay ng 3 suspek

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Nabua, Camarines Sur, Philippines  Naliligo sa sariling dugo at patay na nakahandusay sa lupa ang isang 37-anyos na mangingisda nang matagpuan ng mga residente matapos pagtulungang saksakin ng tatlong hindi nakilalang suspek sa Purok-3, Brgy. Inapatan ng bayang ito kamalawa ng tanghali.

Patay agad dahil sa malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Joselito Timado Yee, ng nasabing barangay. Hindi naman nakilala ang tatlong suspek na pawang nakasuot ng tube mask.

Sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali sa hindi malamang dahilan ay pinagsasaksak ng mga salarin ang biktima na agarang nasawi.

Ilang saksi ang nakita ang mga suspek na mabilis na tumakas lulan ng kahoy na bangka patungo sa hindi malamang direksyon ng lawa.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with