Antique nilindol ng 4.7 magnitude
MANILA, Philippines — Niyanig ng 4.7 magnitude na lindol ang lalawigan ng Antique kahapon ng madaling araw.
Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa may 004 kilometro ng hilagang kanluran ng Valderrama Antique ng alas- 4:49 ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, may 15 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol at tectonic ang pinagmulan nito.
Bunga nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity IV sa Valderrama, Antique at Intensity III sa Bugasong, Antique samantalang Intensity II sa San Jose de Buenavista, at Belison, Antique.
Wala namang inaasahang aftershocks kaugnay ng naganap na lindol.
- Latest