^

PSN Palaro

SoKor ready na sa FIBA WC Qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang solidong lineup ang ipaparada ng South Korea sa first window ng FIBA World Cup Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa Smat Araneta Coliseum.

Inilabas na ng Korea Basketball Association (KBA) ang official lineup nito para sa qualifiers na binubuo ng mga beteranong players.

Bumabandera sa listahan si naturalized center Ricardo Ratliffe na may Korean name na Ra Gunah kasama sina Lee Dae-sung, Yang Hong-seok, Jeon Seong-hyen, Moon Seong-gon, Lee Seong-hyun, at Yeo Jun-seok.

Pasok din sa lineup sina Kim Sun-hyung, Heo Hoon, Heo Woong, Doo Kyung-Min, Choi Jun-Yong, Lee Woo-Suk; at Kim Jong-Kyu.

Magsisilbing head coach ng tropa si Cho Sang Hyun.

Nasa Group A ang Gilas Pilipinas kasama ang South Korea, New Zealand at India.

Kaya naman mapapa­laban ang Pinoy cagers sa solidong lineup ng SoKor.

Sa first window ng qualifiers, dalawang beses maghaharap ang Gilas Pilipinas at South Korea — sa Pebrero 24 at Pebrero 28.

Magiging abala ang South Korea sa first window kung saan isang araw lang ang magiging pahinga nito — sa Pebrero 26.

Bukod sa Pilipinas, sasagupain ng South Korea ang New Zealand sa Peb­rero 25 at ang India sa Pebrero 27.

Ang qualifiers ang magiging tulay upang makapasok sa FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia sa susunod na taon.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with