^

PSN Opinyon

Walang kuwenta si mister

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Last Part)

Ang istorya ni Remy ay sinegundahan nang maraming testigo pati ni Dr. Tamayo na sumuri kay Danny sa pamamagitan ng telephone interview. Ayon sa psychological report ni Dr. Tamayo, nasira ang pagsasama nila dahil sa psychological incapacity ni Danny na nagdulot nang paghihirap sa pag-iisip ni Remy.

Kahit tinatanggi ni Danny na mayroon siyang pscychological incapacity at kahit pa palusot nito na hindi naman grabe ang hindi nila pagkakaintindihang mag-asawa ay pinagbigyan ng RTC ang petisyon at pinawalang-bisa ang kasal nina Remy at Danny. Naniwala ang RTC kay Remy at sa mga testigo niya pero pagdating sa Court of Appeals ay nabaliktad ang desisyon. Ayon sa CA ay hindi naman ganoon katindi ang psychological incapacity ni Danny dahil alam pa raw nito ang dapat na obligasyon sa misis at sa kanilang pamilya. Kahina-hinala rin daw ang ulat ni Dr. Tamayo dahil galing lang sa impormasyon na bigay nina Remy at ina nito samantalang si Danny ay sandali lang nakausap sa telepono ng doktor. Tama ba ang CA?

Mali. Ayon sa SC, ang mga kasal na walang bisa sa ilalim ng Art. 36 ng Family Code, hindi kumukunsinti sa patuloy na pagsasama sa kasal ng mga taong may sakit na psychological incapacity at walang kakayahan na tupdin ang obligasyon nila bilang asawa. Sinasalamin lang ng Family Code ang nilalaman ng Saligang Batas tungkol sa pananatili ng tibay at kasagraduhan ng kasal.

Sa kasong ito, napatunayan ni Remy ang patuloy na pagkasira ng relasyon nilang mag-asawa, may police report na talagang pinagbantaan ni Danny na susunugin ang bahay ng ina ni Remy. Pati si Danny ay umamin na minsan na siyang nabigyan ng BPO dahil sa masasakit na salita na paraan ng pang-aabuso niya sa asawa. Base rin sa mga rekord, maraming beses na isinangla ni Danny ang mga alahas ni Remy pati binentahan pa niya ang nanay ni Remy ng baril para sa pansariling interes. Lahat nito ay ginawa niya na hindi man lang tumutulong na magtrabaho at iniwan lahat sa kanyang misis ang responsibilidad na buhayin sila ng pamilya. Inabandona at hiniwalayan din ni Danny si Remy matapos ang pitong taon nilang pagsasama.

Tungkol naman sa psychological report ni Dr. Tamayo na kinukuwestiyon ng CA, naituro dito sa ulat ang lahat ng tests na ginawa kay Remy pati pinaliwanag ang psychological incapacity ni Danny na nag-ugat sa pagpapalaki sa kanya bago pa niya nakasama si Remy. Ang kanyang masalimuot na pamilya ang nagmulat sa kanya sa kawalan ng responsibilidad  sa kasal. Galing siya sa broken family  at ang naging modelo niya sa paglaki ay ang kanyang mga magulang. Samakatuwid, hindi tama na ipagwalang-bahala ang ulat ni Dr. Tamayo na isang clinical psychologist sa loob ng 30 taon.

Sa kabuuan, ang psychological report, idagdag pa ang lahat ng ibang ebidensiyang inihain ay sapat upang magkaroon ng dekla­rasyon na may psychological incapacity si Danny at hindi niya kayang gampanan ang mga tungkulin bilang isang asawa. Ang mga kata­ngian na kanyang ipinakita bago at matapos ang kasal ay hindi lang nagpapakita na hirap siya o ayaw niyang gampanan o pinabayaan niya ang kanyang mga tungkulin dahil mahigit 10 taon niyang hiniwalayan ang misis kaya nagpapakita ito na sira na talaga ang kanilang pagsasama at hindi na talaga matatanggap ng mag-asawa na kaila­ngan nila ang isa’t isa sa relasyon nila.

Ang pagtupad ng mga obligasyon sa kasal ay depende sa desisyon ng simbahan at sa tibay ng kanilang relasyon. Ang kawalan ng kakayahan na makihati at suportahan ang kanilang pagsasama ay nakakasira sa nasabing relasyon pati sa pagtupad ng tungkulin nila bilang mag-asawa. Ang kakayahan ng isa ay hindi dapat tingnan ng solo kundi dapat na ikunsidera base sa relasyon nilang dalawa (De Silva vs. De Silva and Republic of the Philippines, G.R. 247985, October 13, 2021).

vuukle comment

RTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with