^

PSN Opinyon

Sumaya ba ang mga Pinoy kay Pres. Digong?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Bilang isang mamamahayag, marami akong tuligsa sa administrasyong Duterte. Ganyan din naman ako sa lahat ng nagdaang pamahalaan mula pa kay Corazon Aquino hanggang sa anak niyang namayapa na si dating Presidente Noynoy. Wala naman ni isang admnistrasyon ang gumawa ng pulos mabuti at wasto. Marami ring kapalpakan na dapat punahin.

Hindi pangunahing tungkulin ng mamamahayag na pumuri sa mga magagandang ginagawa kundi punahin ang mga nasisilip na kamalian para maitama. Ngunit tama naman na magbigay ng  kredito sa mga tamang ginawa ng alin mang administrasyon.

Sa kanyang mensahe ng pamamaalam bago bumaba sa tungkulin, nanawagan si Presidente Duterte sa susunod na presidenteng si Ferdinand “Bongbong” Marcos na ipag­patuloy ang mga programa niya na nagpasaya sa mga Pilipino. Mayroon ba? Mayroon naman.

Ang mga naipatayo at nakumpletong road networks, mga makabagong paliparan at iba pang infrastructure projects ay mga bagay na kapuri-puri. At tiniyak naman ng susunod na President Marcos na ipagpapatuloy niya ang mga ito.

Ito ay tiyak na pasusubalian ng mga die-hard anti-Duterte. Pero nakikita naman natin ang katibayan. May mga kamalian si Duterte gaya ng pagkunsinti sa mga tauhang nadadawit sa mga katiwalian at ang kanyang mga magas­pang ng pananalita. Pero sabi nga sa Inggles “give credit where it is due.”

Kaya tama lang na ang mga proyektong nabanggit ko ay ipagpatuloy at kung maaari ay higitan pa ng bagong admi­nistrasyong Marcos. At kung ito ay lalakipan pa ng suporta ng taumbayan, walang pasubali na “this nation can be great again.”

vuukle comment

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with