^

PSN Opinyon

Bigay-todo ang social at health services sa #ProudMakatizens

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Noong nakaraang linggo, tumanggap ang Makati City ng parangal mula sa Department of Health (DOH) para sa ating aktibong partisipasyon sa Chikiting Bakunation Acti­vity kung saan na-hit ng ating lungsod ang 131.35% ng DOH target.

Isinagawa ang catch-up implementation ng pagbabakuna para sa mga batang may edad na 0 to 23 months simula May 30. Ang unang schedule ay hanggang June 10 lamang ngunit nag desisyon kaming ituloy ang programa hanggang June 17. Minabuti rin ng Makati Health Department na gawing house-to-house ang kampanya, kaya naman umabot ng 131.35% ang rate ng mga naba­kunahan.

Critical po sa kalusugan ng mga bagong panganak at maliliit na bata ang mga bakunang ibinigay. Kabilang dito ang vaccines laban sa polio, measles, hepatitis B, pneu­monia, at iba pang vaccine preventable diseases (VPDs).

* * *

Gusto naming batiin ang lahat ng mag-aaral sa public schools ng Makati para sa pagtatapos ng isa na namang taon ng pag-aaral.

Bilang regalo, binigyan namin ang 83,819 mag-aaral ng gift bags na naglalaman ng t-shirt at sari-saring yummy at healthy snacks tulad ng oatmeal, cereals, biscuits, cheese, at hotcake mix. Ito ay para masigurong nababan­tayan ang kalusugan at nutrisyon ng ating mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan.

Bukod sa aming munting regalo para sa lahat, meron pa ring espesyal na regalo para sa mga outstanding students na nagtapos ngayong taon. Nagbigay kami ng P5,000 sa mga nagkamit ng highest honors; 3,000 para sa mga may high honors; P2,000 para sa mga with honors; at P1,000 para sa lahat ng ibang graduates.

Saludo kami sa kabataang Makatizens na nagsisilbing huwaran ng matatag at responsableng mamamayan.

***

Simula noong Sabado, Hunyo 25, binuksan na ang SM Makati vaccination site para sa edad 5-17. Maaaring tumanggap ng first and second dose ng bakuna ang mga edad 5 to 17 at sa edad 18 pataas naman ay first and second dose pati na rin una at ikalawang booster para sa mga A1 (health workers), A2 (senior citizens), at A3 (immunocompromised individuals). Siguraduhin lamang na may apat na buwang pagitan na mula nang makakakuha kayo ng inyong first booster shot para sa A1 at A2 categories at tatlong buwan naman para mga immunocompromised.

Binuksan namin ang SM Makati para sa mas maraming indibidwal dahil napaka-accessible ng lugar na ito at marami pang pwedeng gawin bago o pagkatapos makakuha ng bakuna.

Muli ko pong pinapaalalahanan ang lahat sa importansya ng booster shots lalo at napapabalitang tumataas na naman ang infection rate dito sa Metro Manila.  Malaking tulong po ang dagdag na proteksyon at ibayong pag-iingat sa ating araw-araw na pamumuhay.

Keep safe always, #ProudMakatizens!

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with