^

PSN Opinyon

Magtatagumpay si BBM sa food production kung…

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Prayoridad ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang food production upang matugunan ang kakulangan ng pagkain. Ngunit maisakatuparan lamang ito kong magluluklok siya ng tamang tao na nakaiintindi sa pagtatanim, pangingisda at paghahayupan. Kung ang ita­ta­laga niya sa Department of Agriculture (DA) ay walang nalalaman sa mga nabanggit, hindi magtatagumpay ang kampanya sa food production.

Samantala, ipinahayag naman ni Agriculture Sec. William Dar na aangkat ng galunggong ang Pilipinas upang mapunan­ ang kakulangan sa mga pamilihan. Hindi lamang isda ang ina­angkat kundi pati agricultural products mula China, Vietnam­ at Thailand.

At habang umaangkat ng gulay at isda, bumabaha naman ang smuggled na gulay mula sa China na nagpapa­bulok sa mga aning gulay ng mga taga-Benguet at iba pang mana­nanim ng gulay sa mga lalawigan sa Northern Luzon. Sa tingin ko may “pera-perang’ usapin sa pagpapalusot ng mga gulay na idinadaan mismo sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC). May permit umano na galing mismo sa tanggapan ng DA ang isinusungalngal sa mga Customs exa­mineers kaya naipupuslit ito kahit na ipinagbabawal.

Kapag nakalusot ang mga ito sa BOC babaha ang smuggled goods sa mga pamilihan at siguradong madedehado ang mga local products. Bukod kasi sa mas malalaki at mukhang sariwa dahil sa chemical na taglay nito, super baba pa ang presyo kumpara sa halaga ng aning gulay ng mga local na magsasaka.

Ganyan din ang problema ng mga local na mangingisda. Sa mahal ng gasolina ngayon halos hindi na nasusulit ang kanilang gastos sa paglalayag. Hindi naman kaila sa lahat na naglalayag ang mga mangingisda nang mahigit limang oras bago marating ang kawan ng isda sa laot. At oras na makahuli naman sila ng isda ay binabarat naman ito ng mga middlemen at negosyante kaya kuluntoy ang mga mangingisda.

Sa mga aqua culture naman, mabigat din ang kinakaharap dahil super taas sa ngayon ang feeds at fertilizers. Katulad na lamang sa problema ng mga taga-Roxas, Capiz na ang fertilizer ay umaabot na sa P3,000 kada sako. Ang bangus ay inaalagaan nila ng anim na buwan bago nila anihin. Mahal din ang yelo, petrolyo at transportation expenses kaya hilahod din ang mga fish pond owners. Kapag gumamit naman sila ng feeds para sa kanilang mga alagang isda tiyak na halos tutubo nalang sila ng katiting sa bawat kilo. Noong nakaraang Abril 17, binaha ang lalawigan ng Capiz matapos manalasa ang Bagyong Agaton. Umapaw ang mga palaisdaan at palayan subalit wala man lang ayudang ipinagkaloob ang Duterte administration kaya baon sa utang ang mga magsasaka at mangingisda.

Kaya hiling nila kay president-elect Bongbong Marcos na magtalaga ng Agriculure secretary na marunong sa agrikultura. Dapat sipain din ang mga bugok sa DA at walisin ang mga smuggler sa BOC.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with