^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magprotesta pa sa naghahari-hariang China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Magprotesta pa sa naghahari-hariang China

Masyado na ang paghahari-harian ng China sa West Philippine Sea. Sa sobrang pambu-bully, pinaaalis ang grounded vessel BRP Sierra Madre ng Pilipinas na nakadaong sa Ayungin Shoal sapagkat iyon daw ay teritoryo nila. Ang shoal daw ay kanila at tinatawag nilang Ren’ai Jiao. Ito raw ang dahilan kaya umaaligid sa shoal ang kanilang mga barko o coast guard. Pinuprotektahan daw nila ang shoal.

Sa isang press conference sa Beijing noong nakaraang linggo, sinabi ni Chinese Foreign ministry spokesman Zhao Lijian na dapat tuparin ng Pilipinas ang pangako na aalisin na ang barkong nakadaong sa Shoal. May “commitment” umano ang Pilipinas ukol dito.

Hindi nagustuhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang sinabi ng China at mariin nitong sinabi na trespassing ang mga ito sa Ayungin. Hindi rin umano nakipag-commit ang Pilipinas sa China hinggil dito. Ayon sa Defense chief, may soberanya ang Pilipinas sa Ayungin sapagkat pasok ito sa Excslusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Ayon kay Lorenzana, 1982 pa na-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang EZZ ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Kaya malinaw na may karapatan ang Pilipinas at maaaring gawin ang anumang naisin sa shoal.

Sa ganitong inaakto ng China, may posibilidad na muling maulit ang pagharang sa mga bangkang Pinoy na magtutungo sa Ayungin. Baka hindi na tubig ang ibomba kundi mga bala na. Ganunman, hindi dapat bumahag ang buntot ng Pilipinas sa naghahari-hariang China. Ituloy ang protesta para malaman ng buong mundo ang ginagawang pambu-bully ng bansang ito. Hindi dapat manahimik. Huwag hayaang tapak-tapakan ang soberanya ng Pilipinas. Pinalaki ng kasalukuyang pamahalaan ang ulo ng China kaya naghahari-harian.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with