^

PSN Opinyon

Problema sa child labor kailan masosolusyunan

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Sa ilang beses na nag-drive thru ako sa fast food chains sa Baguio City, lagi kong napapansin ang mga batang nagtitinda ng mais.

Nakakabahala sapagkat maliban sa kinakaharap nilang banta ng COVID-19 at mga panganib sa lan­sangan, nakaaapekto sa kanilang paglaki at pag-unlad ang maagang pangangalakal.

Ayon sa labor department sa Cordillera, mayroong 1,527 bata na mano-manong nagtatrabaho at karamiha’y hard labor, sa Ifugao lamang.

Ang naturang tala ay mula noong 20s19 hangang 2021 na nagmumula lamang sa 84 pamilyang Ifugao.

Datapwa’t naalalayan naman daw ang mga ito sa pamamagitan ng livelihood assistance ng DOLE upang lunasan ang ugat — ang kahirapan ng buhay— kung bakit sila napilitang mamasukan sa murang edad.

Sa datos noong 2011 ng Philippine Statistic Association (PSA), 5.5 milyon batang edad 5-17 ang naitalang nagtrabaho o namasukan bilang manggagawa.

Sa pagtaya ng International Labour Organization (ILO) at United Nations Childrens Fund (UNICEF), ang krisis na idinulot ng lockdowns at pagbagal ng inog ng negosyo dahil sa COVID-19, ang nagbubunsod upang marami pang mga musmos ang magtrabaho o mamasukan na lamang.

Kahirapan pa rin ang sanhi ng dumaraming bilang ng mga batang napipilitang mamasukan.

Ito ang nananatiling malaking hamon sa mga nais maihalal sa 2022 — ang tuldukan ang kahirapan ng bansa sa pamamagitan ng mga pundamental na programang lunas sa pinag-uugatan ng suliraning ito.

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with