^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bagong PNP chief

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bagong PNP chief

Mayroon na raw napipisil si President Duterte na ipapalit sa magreretirong si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar. Sa Nobyembre 13 nakatakdang matapos ang termino ni Eleazar. Kung palala­wigin ng Presidente ang kanyang termino, walang nakaaalam. Kilala ang Presidente na hindi na ini-extend ang termino ng PNP chief. Mula kay Ronald “Bato” de la Rosa na ngayon ay senador na naging PNP chief noong 2016 hanggang kay Gen. Debold Sinas, wala siyang pinalawig na termino. Maiikli ang termino ng serbisyo ng mga PNP chief mula 2016 hanggang 2021 – mahaba na ang isa o dalawang taon. Si Eleazar nga ay anim na buwan lang. Nagsimula siyang manungkulan noong Mayo 7, 2021.

Nang hirangin si Eleazar, marami ang napailing kung ano ang magagawa niya sa loob ng anim na buwan na PNP chief. Masyadong maikli ang anim na buwan para pamunuan ang PNP na batbat ng problema. Sariling mga tauhan ang sumisira sa PNP. Mistulang mga “anay” na nginangatngat ang pundasyon ng PNP. Maraming scalawags, sangkot sa illegal drugs at kung anu-ano pang masasamang gawain na nagpapababa sa imahe ng PNP.

Sa termino ni Eleazar lumutang ang mga pulis na “makati ang daliri’’ sa gatilyo. Namamaril nang walang awa gaya ng isang pulis sa Quezon City na bumaril ng babaing kapitbahay. Sinibak ni Eleazar ang pulis. Sa termino rin ni Eleazar lumutang ang pulis na bumaril sa isang teenager na may autism sa Valenzuela City. Sinibak na rin niya ang pulis.

Marami na siyang sinuwetong pulis kahit noong NCRPO chief pa siya. Mga nahuhuli niyang natu­tulog sa puwesto at pinababayaan ang trabaho. Marami pa siyang nagawa noon na tumatak sa isipan ng mamamayan. Malaki ang naitulong niya sa panahon ng pandemya kung saan nagpapatupad ng health protocols. Dahil sa pagtupad ng tung­kulin, maraming pulis ang naging biktima ng virus at marami ang namatay.

Matatapos na ang termino ni Eleazar at ang tanong ngayon ay kung may susunod sa kanyang yapak. Kung hindi palalawigin ang kanyang termino, dapat maging matalino si President Duterte sa pagpili nang ipapalit kay Eleazar. Dapat kasinghusay at ka-dedicated ni Eleazar ang mamumuno sa PNP.

vuukle comment

PNP

PRESIDENT DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with