^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag magkampante sa pagbaba ng COVID cases

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag magkampante sa pagbaba ng COVID cases

BUMABABA na ang infection rates ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) ayon sa OCTA Research Group na sinuportahan naman ng Metro Manila Development Authority. Pero ang Department of Health (DOH) ay hindi pa rin kumbinsido sa biglang pagbagal ng kaso. Aalamin pa nilang mabuti ang dahilan nang pagbaba ng infection rates sa NCR dahil sa maraming lugar sa bansa ay patuloy pang tumataas ang kaso ng Delta variant.

Isa sa nakikitang dahilan nang pagbaba ng kaso ay ang ipinatupad na granular lockdown sa NCR noong Setyembre 16. Isinailalim ang 57 lugar sa Metro Manila. Ibig sabihin ng granular lockdown, isasara ang isang partikular na lugar na maraming kaso ng COVID. Bawal lumabas at pumasok sa lugar. Kapag inabutan ng lockdown ang sinuman, wala nang maka­kalabas sa lugar. Isasailalim ang lugar sa 14 na araw na lockdown. Ang mga residente ay isasailalim sa COVID test. Bantay-sarado ang lugar kung saan ang mga apektadong residente ay hahatiran ng ayudang pagkain at iba pang pangangailangan.

Ayon sa MMDA, mahigit isang linggo pa lamang ang granular lockdown sa NCR pero mayroon nang nakitang magandang resulta. Dahan-dahan nang buma­baba ang kaso at infection rates. Dahil sa nakikitang pagbaba, na-classify nang moderate risk ang NCR mula sa dating high risk. Ganunman kahit may nakikitang pagbaba sa kaso, nananatiling full capa­city pa rin ang mga ospital sa Metro Manila.

Nakikita namang dahilan ng ilang eksperto sa pagbaba ng infection rates ay dahil kakaunti ang isinasagawang COVID test partikular ang RT-PCR tests sa NCR. May mga clinic din na hindi agad nakapagsa-submit ng datos. Ilan lamang ito sa posibilidad ng pagbaba ng kaso sa NCR.

Malaki ang aming paniwala na tagumpay ang gra­­nular lockdown kaya nagsisimula nang bumaba ang kaso sa NCR. Dahil walang makalabas sa lugar na maraming kaso, napigilan ang pagkalat ng virus.

Ang nararapat na paigtingin ng pamahalaan ay ang pag-test sa mga residente na nasa ilalim ng lock­down. Ayon sa report, may mga residente pa rin na tumatangging magpa-COVID test. Balewala ang gra­nular lockdown kung hindi mati-test ang mga resi­dente. Maaaring kumalat ang virus at paulit-ulit na maging problema. Isabay din naman sa granular lockdown ang malawakang pagbabakuna sa mga residente. Huwag munang magkampante sa pagbaba ng COVID infections.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with