^

PSN Opinyon

Ang faith-based agenda ni Rep. Alan Cayetano

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Wala pang diretsang pahayag si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano kung tatakbo sa pagka-Presidente o hindi. Pa­libhasa ay nakatutok sa kanyang programang P10,000 Ayuda para sa mga biktima ng COVID pandemic. Pero malinaw naman na seryoso niyang kinukonsdera ito.

Sina Sen. Ping Lacson at Sen. Manny Pacquiao ay mali­wanang nang naihayag sa taumbayan na sila ay determinadong tumakbo sa panguluhan.

Hinihikayat ngayon ng mga pastor ng iba’t ibang Chris­tian denomination si Cayetano na maghayag na ng kanyang intensiyong tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.  Tinatayang 600 na pastor at religious leaders kasama ang may 1,564 na miyembro ng 562 simbahan  sa buong bansa ang lumiham kay dating Speaker Alan Peter Cayetano upang hikayatin ito na tumakbo sa panguluhan.

Anang mga pastor, si Cayetano ang nakikitaan nila ng kakayahan na akayin ang taumbayan sa pananampa­la­taya. Kailangan anila ng isang lider na magbibigay ng liwanag at pag-asa sa gitna ng dilim lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Tinuran ng mga leader ng Iglesias ang pamimigay ni Cayetano ng P10,000 ayuda para sa mga kababayang igi­nupo ng pandemya. Bukod diyan, inilunsad ni Caye­tano ang tulong-puhunan sa mga sari-sari stores na naapek­tuhan din ng pandemya. Ginagawa umano niya ito kahit umiiral ang ECQ at iba pang restrictions.

Bagamat wala pang diretsahang pahayag na tatakbo sa presidency, sinabi ni Cayetano na nais nyang magpatupad ng faith based at bible centered na pamunuan. Mahalaga ang takot sa Diyos sa panahong ito na laganap ang bisyo, sugal, krimen at korapsyon.  Sa sulat kay Cayetano, sinabi ng mga Church leaders na higit pa  sa husay at talino, kailangan natin ng isang lider na may puso at malasakit sa kapwa at handang harapin ang mga pagsubok ng may pang-unawa at pagmamahal.

vuukle comment

ALAN PETER CAYETANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with