^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Uunahin pa ba ang baril ng bumbero?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Uunahin pa ba ang baril ng bumbero?

TOTOONG maraming bayan sa bansa ang wala ni isa mang firetruck kaya kapag nagkasunog, tupok lahat ang ari-arian. O kung mayroon mang firetruck sa bayan, hindi rin makaresponde sapagkat sira o di kaya’y walang tubig. Mayroon namang bayan na may firetruck at kumpleto sa kagamitan pero wala namang kasanayan ang mga bumbero kaya bago makadalo sa sunog, ubos na ang bahay o gusali.

Dahil sa ganitong problema, isang batas – Re­public Act 11589 (Bureau of Fire Protection Moder­nization Act) ang nilagdaan ni President Duterte noong Setyembre 10. Sa batas na ito, magkakaroon­ na ng fire station sa mga lungsod, bayan at baran­gay at magiging makabago na ang mga kagamitan­ gaya ng firetrucks at iba pang gamit para pama­tay-sunog.

Okey na sana ang modernization act. Wala nang problema kapag nagkasunog. Pero meron pa palang isinamang gamit para sa bumbero na nagdudulot ng agam-agam ngayon. Kabilang ang baril sa mga bagay na binigay sa mga bumbero.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Ano, 29,286 na bumbero ang iisyuhan ng 9mm na baril. Sabi ni Ano, ang pagbibigay ng armas sa mga bumbero­ ay isa sa mga nais ni President Duterte para raw makatulong ang mga ito sa military at public sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ayon naman kay Sen. Ronald dela Rosa, nararapat isyuhan ng baril ang mga bumbero sapagkat nakakaranas ang mga ito ng pananakot mula sa mga residente na apektado ng sunog. Ayon sa se­nador, kailangang maproteksiyunan ang mga bumbero. Ayon pa kay Dela Rosa, gagastos ang pama­halaan ng P80 milyon sa pagbili ng mga baril.

Tila mali ang timing sa pag-aarmas sa mga bumbero. Kung kailan kailangan ang pondo para sa pandemya, saka naging prayoridad ang pagbibigay ng baril. Mahalaga ba ito? ‘Di ba dapat unahin ang kapakanan ng healthcare workers na hanggang nga­yon, hindi pa binibigay ang kanilang benepisyo.

Nagdudulot din naman ng agam-agam ang pag-aarmas sapagkat sunud-sunod ang mga pangyayari na namamaril ang mga alagad ng batas kapag nasasangkot sa mga maliliit na bagay. Gaya ng pulis sa Tarlac na namaril ng mag-ina at ng isang lasing na pulis sa QC na bumaril sa isang babae.

May mas prayoridad pa kaysa sa pag-aarmas sa mga bumbero. Hindi naman kailangan ang baril sa pagpatay sa sunog. Dapat bang unahin ito?

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with