^

PSN Opinyon

EDITORIAL - Umaapaw ang illegal drugs

Pilipino Star Ngayon
EDITORIAL - Umaapaw ang illegal drugs

Bababa na sa puwesto si President Duterte pero ang ipinangako niyang kalutasan sa illegal na droga ay iiwanan pa rin niyang problema. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpasok ng illegal na droga sa bansa. Kahit may lockdown dulot ng pandemya, patuloy ang dating ng shabu na para bang karaniwan na lamang ito. Noong 2016 na nangangampanya si Duterte, anim na buwan ang binigay niyang taning para malutas ang droga. Pero mag-aanim na taon na siya sa puwesto, eto at umaapaw ang droga. Halos araw-araw, may nare­report na nahuhuling tulak ng droga ang mga pulis­ at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakakasamsam ng kilo-kilong shabu.

Ang pinakamalaking huli ng PDEA at PNP nga­yong buwan ay ang 500 kilo ng shabu na bitbit ng apat na Chinese national sa Candelaria, Zambales. Lumaban ang apat na Chinese sa mga awtoridad at napatay. Ayon sa mga awtoridad, nagpanggap silang­ buyer ng shabu at nakipagtransaksiyon sa mga Chi­nese sa isang beach sa Candelaria. Subalit naka­tunog ang mga suspect na pulis ang kanilang katran­saksiyon kaya nakipagbarilan. Napatay ang apat. Nakuha sa mga ito ang saku-sakong shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon.

Ayon sa PDEA, ang apat na Chinese na mga miyembro ng transnational drug trafficking organization. Nagmamay-ari umano ang mga ito ng iba’t ibang negosyo kabilang ang mga resort at fishponds na ginagawang front. Tatlong buwan na umano nilang sinusubaybayan ang mga suspect.

Nakapagtataka naman kung bakit nag-sorry si President Duterte sa pagkakapatay sa apat na Chinese drug traffickers. Kitang-kita naman kung gaano ka­raming shabu ang bitbit ng apat at kinumpirma ng PDEA na mga miyembro ito ng drug syndicate. Bakit magso-sorry?

Sa China nga, pinapatay talaga ang drug trafficker na mahulihan ng 50 gramo ng droga. Walang pinipili roon, ma-lalaki o ma-babae, binibitay kapag nahulihan ng droga. Marami nang Pinoy ang binitay sa China dahil sa droga pero hindi nag-sorry ang pinuno roon.

Paigtingin pa ng PDEA at mga pulis ang pagmamanman sa mga dayuhan na nagpapasok ng droga. Purihin ang kanilang pagtitiyaga para madakma ang mga salot na drug traffickers. Bantayan naman ang mga port lalo na ang Bureau of Customs na pinaglulusutan ng droga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with