^

PM Sports

Mabagsik pa rin ang UST-- Laure

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nananatiling mabag­sik ang University of Santo Tomas sakaling hindi makalaro si top sco­rer Angge Poyos sa Game 2 ng UAAP Season 86 women’s volleyball best-of-three championship series.

Ito ang pananaw ni Eya Laure na dating miyembro ng Golden Tigresses.

Malaki ang posibili­dad na hindi makalaro si Poyos matapos itong magtamo ng injury sa Game 1 ng bakbakan ng UST at National University noong Sabado.

Namamaga ang ka­nang paa ni Poyos na ma­ngangailangan ng ilang araw na pahinga bago muling bumalik sa 100 porsiyentong kundisyon.

Personal na nasaksihan ni Laure ang nangyari kay Poyos.

At nagbalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya noong Season 81 kung saan nagtamo rin ito ng injury sa finals.

“I was sitting next to Ate Sisi Rondina. I don’t know what to say but I really cried when I saw it (Poyos injury), I don’t know what to feel. It seemed like I got a flashback of what happened to me. I told Ate Sisi, it’s like Game Two of that Season 81 Finals,” ani Laure.

Umaasa si Laure na ma­bilis na makakarekober si Poyos para maka­balik agad ito sa krusyal na Game 2.

Kailangan ng Golden Tigresses na makuha ang Game 2 upang maipu­wersa ang rubber match sa finals series nito laban sa Lady Bulldogs.

“Hopefully, Angge can recover quickly with the help of the UST coa­ches, strength and conditioning coaches, doctors, and PTs (physical therapists),” ani Laure.

 

vuukle comment

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with