^

Metro

Dengue cases sa Metro Manila, halos 4K na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dengue cases sa Metro Manila, halos 4K na!
Karamihan ng mga kaso ng dengue ay mula sa ­Quezon City, Caloocan City, Manila, Taguig City at Valenzuela City.
Stock / Pixabay

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-akyat ng mga kaso ng dengue sa Metro Manila na naitala na sa 3,975 mula Enero 1 hanggang Hunyo 18, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa naturang bilang, nasa 533 kaso ang naiulat sa pagitan ng Mayo 22 hanggang Hunyo 4, mas mataas ng 458 kaso sa sinundan nitong dalawang linggo.

Karamihan ng mga kaso ng dengue ay mula sa ­Quezon City, Caloocan City, Manila, Taguig City at Valenzuela City.

Mula Mayo 22 hanggang Hunyo 18, 844 kaso naman ang naitala.

May 13 na ang naiulat na nasawi o 0.3% ng mga kaso sa NCR ngayong taon.

Sa buong bansa, nasa 51,622 na ang kabuuang kaso mula Enero 1 hanggang Hunyo 18.

Mas mataas ito ng 58% kumpara sa 32,610 na naitala noong 2021 sa kaparehong period.

Maliban sa Ilocos region at Caraga, halos lahat ng rehiyon sa bansa ay lu­magpas na sa ‘alert/epidemic threshold’ sa mga kaso ng dengue sa nakalipas na apat na linggo.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with