Emergency reservoirs, Inihanda ng Manila Water
MANILA, Philippines — Bilang pag-obserba sa National Disaster Consciousness Month, pinasigla ng Manila Water ang walong emergency reservoirs ng kompanya na naitayo nito upang makatulong na mai-promote ang disaster risk reduction and preparedness sa mga munisipalidad at lungsod sa Metro Manila.
Ang naturang mga emergency reservoirs (ER) ay naglalaan ng malinis na tubig sa mga evacuation centers at tumutugon sa pangangailangan ng suplay ng tubig sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol.
Ang emergency reservoirs ay matatagpuan sa Amoranto Stadium, Pinyahan Elementary School, Project 6 Elementary School, Quirino Elementary School, Emilio Aguinaldo sa Quezon City; Cainta Elementary School sa Barangay San Roque, Cainta; Mayamot Elementary School sa Antipolo City at sa San Juan Elementary School sa San Juan.
Ang mga ERs ay dinesensyo na hindi masisira ng baha at lindol. Ang undergropund tanks ay may holding capacity na 50 hanggang 100 cubic meters na kayang magkaloob ng potable water hanggang sa 10,000 evacuees sa loob ng tatlong araw.
- Latest