^

Metro

Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, aabot na sa P335 milyon sa Monday draw

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, aabot na sa P335 milyon sa Monday draw
People line up to place their bets at a lotto outlet along Kamuning in Quezon City on Saturday (May 21, 2022).
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inaasahang aabot na sa mahigit P335 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa susunod na bola nito ngayong Lunes ng gabi, Hulyo 4.

Sa paabiso ng PCSO kahapon, wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 13-31-41-35-09-25 na binola nitong Sabado ng gabi, kaya’t wala pa ring pinalad na manalo sa katumbas na jackpot prize na P320,667,244.80.

Sa jackpot estimates naman ng PCSO, inaasahang madaragdagan pa ang naturang premyo at aabot na sa mahigit P335 milyon sa susunod na lotto draw.

Mayroon namang 56 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-P100,000.00 na second prize sa Grand Lotto 6/55 para sa limang tamang numero; 3,260 na nanalo ng tig-P1,500.00 na third prize para sa apat na tamang numero at 65,897 na nanalo ng tig-P60.00 na fourth prize para sa tatlong tamang numero.

Samantala, sinabi rin ng PCSO na ang premyo ng Mega Lotto 6/45 na bobolahin din sa Lunes ng gabi ay aabot na sa P15 milyon habang ang jackpot prize naman ng Lotto 6/42 na bobolahin sa Martes ng gabi ay aabot na sa P31 milyon.

vuukle comment

LOTTO

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with