^

Metro

782 Pasay police ipinoste sa PICC sa antigen testing ng VIPs

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
782 Pasay police ipinoste sa PICC sa antigen testing ng VIPs
Sinabi ni Pasay City Police chief, P/Colonel Cesar Paday-os ang  PICC Forum Hall na ginawang health facility sa panahon kailangang  dumaan ang mga bisita para sumailalaim sa antigen tests ng Department of Health, at kung negatibo ay saka lamang sila mabibigyan ng ‘pass’ para makadalo sa inagurasyon ni BBM.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa kabuuang 782 tauhan ng Pasay City Police Station ang nakaposte sa Philippine International Convention Center (PICC) para i-secure ang antigen testing ng mga VIP guest para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) ngayong Huwebes (Hunyo 30).

Sinabi ni Pasay City Police chief, P/Colonel Cesar Paday-os ang  PICC Forum Hall na ginawang health facility sa panahon kailangang  dumaan ang mga bisita para sumailalaim sa antigen tests ng Department of Health, at kung negatibo ay saka lamang sila mabibigyan ng ‘pass’ para makadalo sa inagurasyon ni BBM.

Pahihintulutan lamang ­aniya ang mga bisita na tumuloy sa Pambansang Museo upang dumalo sa inagurasyon ni Marcos kapag sila ay negatibo sa COVID-19.

“The guests must secure first negative antigen test results before they will be given a pass to attend PBBM’s inauguration at the National Museum,”ani Paday-os.

Nabatid na kahapon pa lamang ay idineploy na sa PICC ang mga tauhan ng Pasay City Police.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with