^

Metro

Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, aakyat sa P275 milyon!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, aakyat sa P275 milyon!
People line up to place their bets at a lotto outlet along Kamuning in Quezon City on (May 21, 2022).
The STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inaasahang papalo na sa mahigit P275 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Lunes, Hunyo 27, 2022.

Sa paabiso ng PCSO, walang nakahula sa six-digit winning combination ng Grand Lotto 6/55 na 22-51-41-31-16-39 na binola nitong Sabado ng gabi, Hunyo 25, 2022.

Dahil dito, hindi naiuwi ang katumbas nitong premyo na tumataginting na P265,279,398.00.

Nabatid na wala rin namang nakahula sa six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 27-24-40-14-39-04 na binola rin nitong Sabado ng gabi, kaya’t hindi rin naiuwi ang jackpot prize nito na P10,518,111.40.

Sa jackpot estimates ng PCSO, aabot na sa mahigit P15 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 sa susunod na bola nito sa Hunyo 28, 2022, Martes.

Samantala, ang jackpot estimates naman ng PCSO sa Mega Lotto 6/45 na bobolahin rin sa Lunes, ay nasa P8.9 milyon na.

Patuloy pa rin namang hinihikayat ng PCSO ang publiko na tumaya na sa lotto upang magkaroon ng pagkakataon na magiging susunod na multi-milyonaryo, at makatulong pa sa kawanggawa.

vuukle comment

LOTTO

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with