^

Metro

400 immigration officers sa NAIA, binalasa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
400 immigration officers sa NAIA, binalasa
In this photo from the Bureau of Immigration Facebook page, an Immigration officer inspects a traveler's passport.
Bureau of Immigration FB Page

MANILA, Philippines — Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang mga tauhan na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng kanilang kampanya laban sa posibleng korapsyon sa kanilang hanay.

Ayon kay BI port operations division chief Atty. Carlos Capulong na nasa 398 immigration officers na may ‘primary inspection duties’ ang kanilang binalasa.  Ito ay upang maiwasan umano ang ‘fraternization’ o pagiging malapit nila sa kapwa opisyal na posibleng maging daan sa kuntsabahan.

Ito na ang ikalawang rotasyon sa mga posisyon ng mga tauhan ng BI-NAIA ngayong 2022.  Unang isinagawa ang ‘reshuffling’ nila nitong nakaraang Marso lamang.  

Bukod sa mga tauhan nila na nagbabantay sa mga ‘immigration counters’, nagsasagawa rin umano sila ng arawang balasahan sa ‘terminal assignments’ ng higit sa 80 immigration supervisors.

Samantala, nakatakdang umpisahan na ng BI ang pagsasanay sa 195 na mga bagong immigration officers. Sasanayin sila sa implementasyon ng mga batas sa immigration, mga panuntunan at procedures nito sa BI academy sa Clark, Pampanga.

Sinabi ni BI Commis­sioner Jaime Morente na malaking tulong ang mga bagong inspektor sa pagpapalakas ng kanilang pu­wersa at pagbabantay sa mga pa­liparan na siyang unang nilalapagan ng mga dayuhan.  Inaasahan na mag-uumpisa na sila sa kanilang tungkulin sa dara­ting na Setyembre.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with