^

Metro

BOC agent kinasuhan sa pagkamatay ng Quezon City police

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong murder ng Manila Police District (MPD) ang Bureau of Customs agent na nakabaril at nakapatay sa inarestong pulis na nakatalaga sa QCPD nitong nakaraang Biyernes.

Sinabi ni MPD Public Information Officer PMajor Phillip Ines na inihain ang kasong murder sa Manila City Prosecutors Office laban kay Customs Intelligence and Investigation Service agent Elizer Layag Mangili, base sa reklamo ng naulilang misis ni P/Executive M/Sgt. Celedonio Caunceran.

Base sa nakalap na mga ebidensya at testimonya, nakakita umano ng dahilan ang pulisya na sampahan ng kasong Murder si Ma­ngili makaraang barilin sa noo at dibdib si Caunceran.
“Pagsampa natin sa Pro­secutors Office, dito dedeterminanin kung may sapat na probable cause para maiakyat ang kaso sa korte,” ayon kay Ines.  Inihain ang kaso dakong alas-2 ng hapon nitong Linggo.

Dinakip ng mga tauhan ng BOC-CIIS si Caunceran nitong Biyernes dakong alas-5:05 ng hapon sa kanto ng 15th Street at Railroad Street sa Port Area, malapit sa BOC. Nakilala si Caunceran sa kaniyang identification card na nakatalaga sa QCPD Station 6.  Nakumpiska sa kaniya ang isang 9mm pistol at isang .45 na kalibre ng baril, isang patalim at ang gamit niyang scooter.

Nasa tanggapan si Caunceran ng CIIS nang magpaalam umano na iihi sa banyo ngunit dito tinangkang agawin umano ang baril ni CIIS agent Jovan Escueta Lugtu.  Dito binaril ni Mangili si Caunceran dahilan ng kaniyang kamatayan.

Sa isang ulat, itinuturo si Caunceran na sangkot umano sa mga serye ng pamamaril at pagpatay sa ilang opisyal ng BOC at paghagis ng granada sa BOC compound base sa kuha ng CCTV footage.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with