^

Metro

Kaso isinulong vs guro na nagbantang pasasabugin ang ilang Metro Manila iskul

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Kaso isinulong vs guro na nagbantang pasasabugin ang ilang Metro Manila iskul
Photo provided by the Criminal Investigation and Detection Group shows Jake Castro following his arrest in an entrapment operation in Las Piñas.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isinulong na sa korte ng Las Piñas City Prosecutor’s Office ang kaso laban sa  isang guro na nagpapanggap bilang rebeldeng New People’s Army (NPA) na inaresto dahil sa pananakot sa mga paaralan sa Metro Manila na pasasabugin.

Ito’y matapos makakita ng probable cause si Senior Assistant City Prosecutor Norman Torneros sa pagsasampa ng kasong robbery laban kay Jake Castro,  sa ilalim ng Article 294 ng Revised Penal Code kaugnay ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act.

Ang mga kaso ay isinampa sa korte matapos magsagawa ng extra-judicial confession si Castro, sa harapan ng kanyang abogado, noong Abril 26 kung saan inamin niya ang kanyang direktang partisipasyon sa paggawa ng  robbery extortion at pagbibigay ng false bomb threat laban sa ilang paaralan.

Ibinasura naman ng pro­secutor ang mga kaso laban sa isang Dexter Gregorio, na naunang idinawit ni Castro sa krimen, dahil sa kawalan ng “material” at “leading evidence”.

Si Castro, isang guro sa isang pribadong paaralan   ay inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang entrapment operation sa Barangay Zapote noong Abril 22.

Sinabi ni CIDG National Capital Region field unit chief Col. Randy Glenn Silvio na si Castro ay gumawa ng katulad na pagbabanta sa humigit-kumulang 140 mga paaralan.

Ang modus operandi ni Castro ay ang pag-e-mail ng mga mensaheng pangingikil na humihingi ng malaking halaga  sa ibat-ibang paaralan sa  Metro Manila.

Ang suspek, na nagpapanggap bilang rebeldeng NPA, ay nagbanta sa mga paaralan na pasasabugan at mass shooting  kapag hindi natugunan ang kanyang mga kahilingan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with