^

Metro

Nagwaging party-lists ipoproklama sa Mayo 25

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng iproklama na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang mga nanalong party-list groups sa muling pagko-convene ng National Board of Canvassers (NBOC).

Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, na ang proklamasyon ay kapag natapos na ang special elections sa Lanao del Sur at kung hindi na makakaapekto sa bilangan ang mga certificate of canvass mula sa Shanghai sa China.

Muling ipinaliwanag ni Laudiangco na ang nasa 685,643 na boto sa Lanao del Sur at ang 1,991 votes naman sa Shanghai ay malaki pa rin ang epekto sa ranking o pagkakasunod-sunod ng mga party-list groups.

Samantala, dahil hanggang sa susunod na linggo na lamang ang kontrata ng Comelec na tumatayong National Board of Canvassers (NBOC) sa Forum Tent sa Philippine International Convention Center (PICC) ay pinag-uusapan na nila kung lilipat sila ng venue ng proklamasyon.

Hindi umano ito kakayanin ng Palacio del Gobernador dahil kaila­ngan ng maluwag na espasyo sa proklamasyon at upang maipatupad pa rin ang ‘minimum health standards.’

Unang itinakda nitong Mayo 19 ang prok­lamasyon ng mga nagwaging party-list groups ngunit naudlot dahil sa special elections sa Lanao del Sur at ang hindi pa naisasagawa na eleksyon sa Shanghai.

vuukle comment

PARTY LIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with