^

Metro

2 Nigerian, 3 Pinoy hacker ng banko, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 Nigerian, 3 Pinoy hacker ng banko, arestado
Prinisinta kahapon ni NBI Spokesperson Ferdinand Lavin sa headquarters sa Quezon City ang nadakip na limang indibiduwal kabilang ang dalawang Nigerian na sinasabing dawit sa ‘Mark Nagoya Heist Group”, na responsable sa pag-hack sa Banco de Oro sa isinagawang operasyon sa Mabalacat Pampanga.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Dinakip sa isang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Pampanga ang dalawang Nigerian at tatlong Pilipino na umano’y sangkot sa hacking sa isang banko na nakaapekto sa account ng higit sa 700 kustomer.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga nadakip na sina Ifesinachi Fountain Anaekwe, alyas Daddy Champ; Chukwuemeka Peter Nwadi, kapwa Nigerian; Jherom Anthony Taupa; Ronelyn Panaligan; at Clay Revillosa.  Tinagurian sila ng NBI na bumubuo sa “Mark Nagoya Heist Group”.

Unang nadakip sina Anaekwe at Nwadi sa ikinasang entrapment operation ng NBI-Cybercrime Division sa  Mabalacat, Pampanga nitong Enero 18.  Ito ay makaraan na isang asset ang nagbigay ng impormasyon sa grupo makaraan na makipagtransaksyon sa kanila.

Ayon sa impormante, sangkot ang mga suspek sa isang negosyo ng pagbibigay ng serbisyo sa sinuman na nais mai-encash ang kanilang pera na nakuha sa ilegal na pamamaraan gamit ang ‘access devices’. 

Kaya ng access devices na ito na ma-hack ang mga bank accounts, crypto wallets at at ma­ging mga ‘point-of-sale terminals’ ng mga lehitimong negosyo.

Unang tumawag sa impormante ang isang nagpakilalang ‘Mark Froilan’ ukol sa pag-cash out, saka kinontak si ‘Daddy Champ’ na siyang magbibigay sa impormante ng tatlong magkakaibang accounts na pagdadalhan ng tig-P10 milyon bawat isa mula sa pondong natangay sa BDO.

Dito na nagkasa ng entrapment operation ang NBI na nagresulta sa pagkakadakip ni Anaekse o Daddy Champ at ni Nwadi habang nasa aktong nagbebenta ng mga accounts.

Nadakip naman ang itinuturong utak ng grupo na si Taupa sa isang hiwalay na entrapment operation sa  Floridablanca, Pampanga nito ring Enero 18.  Nabatid na nagbebenta naman si Taupa ng ‘scampage’ na imitasyon ng Gcash webpage at kayang makuha ang ‘log-in details’ ng kanilang bibiktimahin.

Nabatid rin na si Taupa ang siyang nagpapadala ng mga ‘email list’ na may mga datos ukol sa iba’t ibang kustomer ng bangko sa isang grupo na nagpapadala naman ng ‘scam email’ sa mga biktima.  Kapag binuksan ang link, magagamit na ang impormasyon ng biktima para ma-hack ang kanilang bank accounts.

Nadakip din sa parehong operasyon sina Panaligan at Revillosa na itinuturong sangkot din sa hacking bilang web developer at downloader.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 8484 (Access Devices Regulation Act of 1998)) sina Anaekwe at Nwadi sa Department of Justice habang kinasuhan din ng paglabag sa RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) si Taupa at mga kasabwat.

 

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with