^

Metro

Bakunahan sa mga botika, umarangkada na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bakunahan sa mga botika, umarangkada na!
A health worker prepares a dose of a COVID-19 vaccine booster at the Marikina Sports Complex on Monday, Jan. 3, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Umarangkada na kahapon ang bakunahan para sa CO­VID-19 booster shot sa mga piling botika sa Metro Manila bilang bahagi nang pagpapataas ng bilang ng mga Pinoy na mababakunahan at pag-abot sa ‘herd immunity’ ng Pilipinas.

Sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na tanging mga healthcare workers (HCWs), kanilang pamilya, essential workers at mga mahihirap na populasyon ang babakunahan sa mga botika.

“Mas kombiniyente, mas madali para sa kanila (publiko). Puwede ka magparehistro online para pagdating mo d’yan, pwede ka nang bakunahan nang walang ­aberya,” panghihikayat ni Duque sa publiko.

Inisyal na limang botika ang kalahok sa ‘pilot’ na implementasyon nito.  Kabilang dito ang: Generika sa Signal Village, Taguig; Mercury Drug sa President Quirino Avenue, Manila; SouthStar sa Barangay Concepcion-Uno, Marikina; The Generics Pharmacy sa Sun Valley, Parañaque at Watsons SM Supercenter sa Ortigas, Pasig

Matapos ang isang ­linggong ‘pilot run’, palalawigin ang programang tinawag na “Resbakuna sa mga Botika” sa iba pang mga botika sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan na makipagkoordinasyon ang mga botika sa kanilang lokal na pamahalaan sa pamamahala ng rehis­trasyon at dokumentasyon ng programa.

Sa kabila nito, inamin ni Jovelyn Blancaflor, pinuno ng Drugstores Association of the Philippines, na hindi pa handa sa mas malawak na implementasyon ng programa ang maraming botika dahil sa kailangan pang sumailalim sa pagsasanay sa pagbabakuna ang maraming miyembro nila.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with