^

Metro

Online seller, huli sa mga pekeng gamut

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang babaeng online seller sa isang operasyon sa kaniyang puwesto sa Sta. Cruz, Maynila kahapon makaraang mabisto na peke ang kaniyang mga iniaalok na gamot.

Kinilala ni MPD-Special Mayors React Team (SMaRT) chief, PLtCol Rosalino Ibay ang naaresto na si Monique Gamboa, 29, dalaga, nakatira sa  Bambang St., Tondo, ng naturang lungsod.

Nabatid na isang sumbong ang natanggap ng opisina ni Manila City Mayor Isko Moreno ukol sa ilegal na gawain ng suspek.  Dito inatasan ang MPD-SMaRT para magsagawa ng imbestigasyon sa naturang impormasyon.

Makaraang magpositibo sa ginawang surveillance, sinalakay na ng mga pulis kasama ang mga tauhan ng Manila Bureau of Permits and Lisencing Office (BPLO) ang puwesto ng suspek sa may kanto ng Bambang at Yakal Street sa Sta. Cruz dakong ala-1:30 kahapon ng hapon.

Dito nadiskubre at nakumpiska ng mga awtoridad ang higit walong daang kahon ng mga gamot kontra trangkaso at sipon.  Dalawang kahon din ng hinihinalang pekeng COVID-19 antigen test ang nasabat.

Nahaharap ngayon si Gamboa sa paglabag sa mga kasong RA 8203 (Special.Law o  Counterfeit Drugs), RA 7394 (The Consumer Act of the Philippines), RA 9711 ( Food and Drugs Administration Act of 2009), at maging sa Manila City Ordinance No. 8331( Omnibus Revenue Code for operating without business permit).

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with