^

Metro

Bagong kaso ng COVID-19 sa Maynila, pababa na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bagong kaso ng COVID-19 sa Maynila, pababa na
A health worker attends to patients at the Manila Manila COVID-19 field hospital at Quirino Grandstand on Thursday, January 13, 2022. The National Capital Region (NCR) is experiencing a "severe outbreak" as its COVID-19 average daily attack rate climbs to 111.80, OCTA Research said Thursday.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bumaba ng 23 porsyento ang naitatalang ‘seven-day average’ ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila na posibleng nagpapakita na umano ng pagbaba ng trend nito, ayon sa OCTA Research Group.

“The 7-day average of new cases decreased in one week by 23% from 2,152 to 1,658. The reproduction number in Manila decreased to 1.50,” ayon sa tweet ni OCTA Fellow Dr. Guido David.

Sinabi pa ni David na ma­ging ang reproduction number, o ang bilang ng mga taong maaaring mahawa ng isang pasyente ay bumaba rin sa 1.5 nitong Enero 18 mula sa dating 1.73 noong Enero 17.

“The downward trend in Manila is now clear,” ayon pa kay David.

Bukod naman aniya sa Maynila, nakikitaan na rin ang San Juan at Malabon ng negative one-week growth rates.

Upang mapanatili ang pagbaba ng mga kaso, pinayuhan niya ang mga residente ng Metro Manila na panatilihin ang pagiging mapagmatyag sa paligid kung lalabas at tumalima sa umiiral na health at safety protocols.

vuukle comment

OCTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with