^

Metro

Magbitiw o magbakasyon! - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa Brgy. officials na ‘di bakunado:

MANILA, Philippines — Magbitiw sa puwesto o magbakasyon na muna ang mga barangay officials sa bansa na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Inihayag ito ni Department of the Interior and Local Government Undersecretary for barangay affairs Martin Diño kasunod ng kautusan ng DILG sa mga barangay officials, na tukuyin ang mga hindi pa bakunadong residente sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Diño, nakakahiya kung mananatili sa puwesto ang isang opisyal ng barangay na siyang nagpapatupad ng batas ngunit maging siya ay hindi pa pala bakunado.

“Kung talagang hindi pa bakunado, puwede naman kayo mag-resign o kaya mag-leave kayo hangga’t ‘di tapos ang COVID-19. Nakakahiya kayo. Biro ninyo, kayo magpapatupad ng batas tapos kayo pala ‘di bakunado?” ayon pa kay Diño, sa panayam sa radyo.

Bagama’t hindi pa tiyak ni Diño kung mayroon pa ngang mga unvaccinated local officials, nagbabala ito na ang mga barangay officials na tatangging magpabakuna ay maaaring arestuhin.

“Kahit kapitan ka, barangay ka, aarestuhin ka. Papaaresto ka ‘pagka halimbawa may ordinansa. Walang exemptions dito, walang exempted,” aniya pa.

Muli rin namang nanawagan si Diño sa mga local officials na magpabakuna na upang magsilbi silang ehemplo ng kanilang mga constituents.

“Kaya nga if ever may hindi bakunado, kung mayroong pang ‘di pa bakunado ngayon. Kasi noon sabi ko magpabakuna kayo chairman tapos magpagawa kayo ng tarpaulin ipakita niyo roon habang binabakunahan kayo para kayo mag-set ng example sa barangay ninyo,” aniya.

Una nang inatasan ng DILG ang mga barangay officials na magsumite ng listahan ng mga residente nilang hindi pa bakunado laban sa COVID-19 upang mapakiusapan ang mga ito na magpabakuna na at maprotektahan laban sa virus.

vuukle comment

COVID-19

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with