^

Metro

Food rider na shabu ang idinideliber, timbog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Food rider na shabu ang idinideliber, timbog
Nakilala ang nadakip na si Eduardo Delos Santos, alyas Ed, 48, at nakatira sa Oroquieta, Brgy. 346, Sta. Cruz, ng naturang lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang food delivery rider nang ma­bisto na sa halip na pagkain, shabu ang idinideliber niya sa kaniyang mga parokyano, sa isang operasyon ng Manila Police District (MPD) sa Sta. Cruz kahapon ng umaga.

Nakilala ang nadakip na si Eduardo Delos Santos, alyas Ed, 48, at nakatira sa  Oroquieta, Brgy. 346, Sta. Cruz, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Sta. Cruz Police Station 3, dakong alas-8 ng umaga nang maaresto si Delos Santos sa kanto ng Oroquieta at Yuseco Streets sa Brgy. 346.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng tip ang mga pulis ukol sa magaganap na delivery ng ilegal na droga ng isang rider sa nabanggit na lugar.  Agad na rumesponde ang mga pulis at naaktuhan nga ang isang delivery rider na angkop sa deskripyon ng impormante kausap ang isang lalaki.

Nang sumulpot at magpakilala ang mga pulis, nagtatakbo ang dalawang lalaki ngunit nagawang makorner ng mga pulis si Delos Santos.  Nang halughugin ang kaniyang posesyon, nadiskubre ang pitong plastic sachet na naglalaman ng tinatayang tatlong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

Kinumpiska rin ng mga pulis ang gamit niyang Mio Soul type scooter, susi, at kaniyang cellular phone na gamit sa transaksyon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Pro­secutors Office si Delos ­Santos.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with