^

Metro

PNP pabor sa ‘time limit’ sa bibisita sa Dolomite Beach

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PNP pabor sa �time limit� sa bibisita sa Dolomite Beach
People continue to flock to the dolomite beach in Manila’s Baywalk along Roxas Boulevard on October 17, 2021 as quarantine restrictions were eased further in the National Capital Region under Alert Level 3.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Pabor si Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa pagpapatupad ng ‘time limit’ sa mga bibisita sa Dolomite Beach.

Ito ayon pa kay Eleazar ay para narin maiwasan ang overcrowding sa lugar na nagdudulot ng pangamba nang hawaan COVID-19.

Sa bagong panuntunan na ‘cinema approach’ bibigyan na ng mga ticket ang bisita na balido para sa dalawang oras na pananatili.

Ipinagbawal na rin ang mga batang 11-taon pababa sa lugar.

Ayon kay Eleazar, malaking bagay na agad na natugunan ng  pamunuan ng  Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isyu sa Dolomite Beach lalo pa at dinarayo na ito ng  mga gustong mamasyal.

Aminado si Eleazar na nagulat siya sa pagdagsa ng tao sa Dolomite Beach. Aniya, nakita sa mga ito  ang kasabikan na makapamasyal at makabalik sa normal na sitwasyon.

Nagpasalamat naman si Eleazar sa mga netizens na pumuna sa ‘overcrowding’ na nangyari sa Dolomite Beach na lantarang paglabag sa minimum health protocols.

Isa itong malaking kontribusyon para maisaayos ang sistema ng pagtanggap ng bisita sa Dolomite Beach.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with