^

Metro

Pagbabakuna sa mga kabataan, pinalawig pa sa 13 hospital sa NCR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa mga kabataan, pinalawig pa sa 13 hospital sa NCR
Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna ng Marikina City Government sa kanilang mga residente sa Marikina Sport Complex.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinalawak pa sa 13 local government hospitals ang Phase 2 ng government pediatric vaccination sa Metro Manila kung saan nasa 144,000 kabataan inaasahang matuturukan sa pagpapatuloy ng pagbabakuna sa darating na Biyernes, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Kabilang sa mga na­dagdag na pagamutan ang pagdarausang ng pagbabakuna ay ang Caloocan Medical Center, Ospital ng Parañaque at Pasay General Hospital.

Nauna nang naisagawa ang pagbabakuna sa mga ospital sa Quezon City at sa Pasig City.

“Target nating mabakunahan  ang nasa 144,131 kabataan mula 15  hanggang 17-anyos  at ang prayoridad pa rin ay ang may  comorbidities”, pahayag ni DILG spokesman Jonathan Malaya.

Muling nagpaalala si Malaya sa mga magulang na nagnanais na mapabakunahan ang kanilang menor-de- edad na mga anak na maki­pag-ugnayan sa kanilang local government .

Nagsimula ang pagbabakuna sa mga kabataan sa mga local government hospitals noong nakalipas na Biyernes, Okt. 15 at tatagal hanggang Okt. 31.

Mahigit na sa 90 milyon ang doses ng bakuna na natanggap ng bansa.

Ang pagbabakuna sa mga kabataan ay nakikitang isang component sa plano ng pamahalaan na face-to-face classes sa susunod na buwan. 

 

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with