^

Metro

Pagtataas ng passenger capacity sa PUVs, irerekomenda ng DOTr

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pagtataas ng passenger capacity sa PUVs, irerekomenda ng DOTr
Passengers ride a jeep at Tandang Sora terminal in Quezon City on September 15, 2020.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Irerekomenda ng Department of Transportation (DOTr) sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagtataas na rin ng passenger capacity sa mga public utility vehicles (PUVs).

Kasunod na rin ito nang pag­luluwag na ng quarantine restrictions sa Metro Manila, na nasa Alert Level 3 na ngayon mula sa dating Alert Level 4.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOTr na pag-aaralan ng kanilang road sector division hanggang  bukas, Miyerkules, kung gaano kalaki ang ­irerekomenda nilang dagdag sa PUV passenger capacity bago tuluyang magsagawa ng rekomendasyon.

“An increase in passenger capacity should be progressive and compliant with the mandates of local governments and the IATF,” ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Una nang sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang pampublikong transportasyon ay magiging normal at operational na, sa ilalim ng lahat ng alert levels ng bagong sistema.

Sa kasalukuyan naman ay limitado pa rin ang passenger capacity sa PUVs.

Samantala, sa halip na pagtataas ng pasahe, isinusulong ng DOTr ang pagkakaloob ng ayuda sa mga driver at mga pasahero ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at nananatili pa rin ang pandemya ng COVID-19.

Nauna rito, matatandaang humihiling ang mga driver at operator ng jeepney na magkaroon ng P3 taas-pasahe o P12 mula sa dating P9 lamang, na mariin namang tinutulan ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Kinakailangang balansehin natin ang pangangailangan ng mga drayber sa kakayanan ng mga pasahero ngayong pandemya. Kaya imbes na direktang pagtataas ng pamasahe, ayuda sa drayber at ayuda sa pasahero ang itinutulak natin,” ayon kay Tugade .

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with