^

Metro

P124K shabu nasabat sa 3 ‘tulak’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
P124K shabu nasabat sa 3 �tulak�
Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-9:30 nang magkasa ang kanilang Drug Enforcement Unit sa F Humilidad St., Brgy. 14, Zone 1, Pasay City, na nag­resulta sa pagkakasabat ng 14 na plastic sachet na may lamang 8.03 gramo ng hinihinalang shabu at may halagang P56,440.
Philstar.com / John Unson, file

MANILA, Philippines — Nagkakahalaga ng P124,000 ang hinihinalang shabu na nasabat ng mga tauhan ng Pasay at Makati City Police sa magkahiwalay na anti-drug operation na nag­resulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, dakong alas-9:30 nang magkasa ang kanilang Drug Enforcement Unit sa F Humilidad St., Brgy. 14, Zone 1, Pasay City, na nag­resulta sa pagkakasabat ng 14 na plastic sachet na may lamang 8.03 gramo ng hinihinalang shabu at may halagang P56,440.

Nadakip sa operasyon ang mga suspek na sina John Joseph Servo,, alyas Bro Jay, 37; at si Odessa Tiposo, alyas Bunig, 31, kapwa nakatala sa Drug Watchlist ng Pasay City Police.

Dakong alas-8:15 ng gabi naman nang ikasa ng Makati City Police-Drug Enforcement Unit ang buy-bust ­operation sa may Adalia Street sa Brgy. Guadalupe na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si Augustine Caole, 56.

Nakumpiska ng mga pulis ang 44 na plastic sachet na naglalaman ng 10 gramo ng shabu at may halagang P68,000 habang narekober din ang P500 bill na ginamit na buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with