^

Metro

Kelot na nagpakilalang NBI, huli sa boga

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 52-anyos na lalaki, na nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto ng mga awtoridad, matapos na maaktuhang armado ng baril at umiikot sa isang conve­nience store sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Antonio Medina De Leon, 52, San Antonio Village, Makati City.

Sa report ni PCpl Allan Cruz ng Masambong Police Station 2 (PS 2) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong ala-1:55 ng madaling araw nang ­arestuhin ang suspek sa loob ng isang kilalang conve­nience store sa kanto ng West Avenue at Zamboanga St., sa Brgy. Nayong Kanluran.

Nauna rito, pumasok sina PCpl Windel Degamo at PCpl Lorenzo Rocha Jr. sa nasabing convenience store bilang bahagi ng kanilang routine duty.

Dito nila naispatan ang suspek na may nakasuksok na baril sa kanang bahagi ng baywang at kahina-hinalang umiikot sa naturang tindahan kaya’t kaagad itong sinita   at hinanapan ng dokumento sa kanyang dalang armas.

Nagpakilala pa umanong ahente ng NBI ang suspek nang walang maipakitang dokumento sa mga pulis.

Kaagad namang dinisarmahan ng mga pulis ang suspek at binitbit sa himpilan ng pulisya.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang kalibre 9MM Glock 19C, na gawa sa Australia at may serial no. CXK655; isang magazine, at 14 na live ammunition.

Nakikipag-ugnayan pa ang QCPD sa NBI upang makumpirma kung ahente nga nila ang suspek.

 

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with