^

Metro

Bangkay na nakasilid sa sako, nadiskubre sa La Mesa Dam

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki na nakasilid sa sako ang natagpuan sa gilid ng kalsada, sa harapan ng La Mesa dam sa Brgy. Greater Lagro, sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay inilarawan lamang na nagkaka-edad ng hanggang 30-anyos at blonde ang buhok.

Batay sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:30 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa gilid ng Quirino Highway, tapat ng La Mesa Dam, Brgy. Greater Lagro.

Kasalukuyan umanong nagbibisikleta sa lugar ang testigong si Ramil Mamangon nang mapuna ang isang kahina-hinalang sako sa gilid ng kalsada.

Nakita umano ni Mamangon na may nakausling paa sa sako kaya’t kaagad nang humingi ng tulong kay PCpl Darwin Panares, na nakatalaga sa Police Community Precinct 1 (PCP-1).

Sa imbestigasyon, natuklasang nakagapos pa ang mga kamay at paa ng biktima at may mga tama ng bala at mga saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan, na siya ring ikinamatay nito.

Posible rin anilang sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa lugar upang iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng masusing pagsisiyasat upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ng mga suspek, gayundin ay matukoy ang motibo nila sa pagpatay.

vuukle comment

CIDU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with