^

Metro

Alert level 3 posible na sa Metro Manila - Abalos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Alert level 3 posible na sa Metro Manila - Abalos
Umaasa si Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Benhur Abalos na mas mapapabuti pa ang sitwas­yon sa Metro Manila sa ikalawang linggo nang ipinaiiral na Alert Level 4, na magtatapos sa Setyembre 30.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Posibleng mas maluwag o mas mababang alert level na ang maipapatupad sa Metro Manila kung magpapatuloy ang pagbuti ng mga sitwasyon dito, ayon kay Metro Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Benhur Abalos.

Umaasa si Abalos na mas mapapabuti pa ang sitwas­yon sa Metro Manila sa ikalawang linggo nang ipinaiiral na Alert Level 4, na magtatapos sa Setyembre  30.

Ayon sa MMDA chief, ang 5-tier new virus response strategy ay sinusubukan sa mga hotspot areas ng COVID-19 sa NCR at kaakibat nito ang pagsasailalim sa granular lockdowns sa mga erya na may clustering ng mga kaso, sa halip na ang buong lungsod ang ilagay sa lockdwon.

“Yung reproduction rate, ito mismo galing sa OCTA, from a high of 1.90 nung August 8, bumaba nun Sept. 4 ng 1.39, 1.03 nung Sept 22. Nakikita natin ‘yung pababa po nito. Maski ‘yung growth rate ng 1 week nag-negative na nga rin kaya maganda po ang indikasyon. Sana po by the end of the one week pa mag-alert level 3 na po ang Metro Manila,” ani Abalos.

Nitong nakalipas na Biyernes nang mag-isyu ang Malakanyang ng amended guidelines ng Alert Level 4 restrictions sa Metro Manila na magsisimulang ipatupad sa Oktubre 1, kung mananatili pa sa naturang alert level ang rehiyon.

“Ang nangyari po ngayon apat lang halos na negosyo ang bukas. Ang restaurants natin na may 10 percent sa loob at 30 percent sa outdoor, ating mga barberya, hair spa, nail salon at saka simbahan. Kung mag-aalert level 3, halos lahat po 30 percent na ng capacity. Madaragdagan pa ang ating negosyo,” paliwanag niya.

Mahirap aniya, na mabalanse ang kalusugan at ekonomiya.

“Sa basehan na nakikita natin ngayon, sana naman, tingin ko kaya na nating mag-alert level 3 by the end of the week. ‘Yun ang pinagtatrabahuhan natin lahat ngayon,” aniya.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with