^

Metro

Mga nagbabalak magpaturok ng booster shot binalaan ni Yorme

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga nagbabalak magpaturok ng booster shot binalaan ni Yorme
Sinabi ng alkalde na dapat unawain ng publiko na hindi pa talaga inirerekomenda sa ngayon ang ‘booster shot’ o ikatlong dose ng bakuna dahil sa nararanasan pa rin na kakapusan sa suplay ng Pilipinas.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Binalaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang sinuman na magpaparehistro sa ‘vaccination program’ ng siyudad ngunit target na makakuha ng ‘booster shot’ na huwag nang ituloy ang plano dahil maaaring may kaharapin pa silang kaso.

Sinabi ng alkalde na dapat unawain ng publiko na hindi pa talaga inirerekomenda sa ngayon ang ‘booster shot’ o ikatlong dose ng bakuna dahil sa nararanasan pa rin na kakapusan sa suplay ng Pilipinas.

Dahil sa pagsingit ng iba para makakuha ng booster shot, pinagkakaitan naman nila ng pagkakataon ang ibang kababayan na maproteksyunan din ang mga sarili laban sa COVID-19.  Nasa proseso pa nga ang pamahalaan sa pag­hahanda para mabakunahan naman ang mga populasyon na nasa edad 12-17.

Iginiit ni Moreno na huwag nang magtangka ang sinuman dahil sa si­guradong matutukoy sila ng kanilang mga opis­yales sa Manila Health Department at maaari pang masampahan ng kaso tulad ng ginawa ng ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na nakadiskubre ng ganitong panlalamang.
Kasabay nito, inanyayahan din naman ni Moreno ang mga motorista na magparehistro online para sa 1,400 drive-thru vaccination slots sa Quirino Grandstand na bukas na mula Setyembre 20 hanggang 26, 2021.
Nilinaw ni Moreno na ang mga motorcycle ri­ders ay hindi pinapayagan sa mga drive-thru vaccination site gayundin ang mga walk-ins.
Tanging mga four-wheeled vehicles ang pinapayagan sa mga drive-thru vaccination sites. Kailangan lamang na magpareserba ng slots at maaari nang magsama ng tatlo pa para sa kabuuang apat kada isang sasakyan.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with