^

Metro

‘House-to-house swab test’ sa mga residenteng naka-lockdown sa Makati

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umikot na ang ‘swab teams’ ng pamahalaang lungsod ng Makati na nagsagawa ng RT-PCR tests sa bawat bahay sa H. Santos Street sa Barangay Tejeros na unang isinailalim sa ‘granular lockdown’ sa siyudad.

Sinabi ni Atty. Don Camiña, taga­pagsalita ng lungsod, na sa 234 residente na isinailalim sa test ay tatlo ang natuklasang positibo sa isinagawang ‘house-to-house swab testing’.

Dahil dito, umakyat sa 11 indibidwal na ang positibo sa COVID-19 sa naturang kalsada kapag isinama ang unang walong pasyente.

Magpapatuloy pa rin ang swab testing sa 300 pang residente ng naturang lugar lalo na ang mga na-ging ‘close contacts’ ng mga unang nagpositibo.

Samantala, tinupad naman ni Makati Mayor Abigail Binay ang pamimigay ng ‘food packs’ sa mga apektadong residente kasama na rin ang COVID-19 healthcare kits.

Sa kabila nito, kinailangan pa ring magpabili ng ilang residente ng iba nilang pangangailangan sa mga nagbabantay na tauhan ng barangay. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with