3 PNP Gallantry Awardees, pinarangalan ng NAPOLCOM
MANILA, Philippines — Ipinagkaloob ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pangunguna ni Vice chairman at Executive Officer Vitaliano Aguirre ang Gallantry Awards sa tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na nagpakita ng dedikasyon at serbisyo sa ika-55 taong anibersaryo ng ahensya.
Kabilang sa pinarangalan ay sina P/LT. Col. William Santos, para sa kampanya laban sa Communist Terrorist Groups (CTG) na nagresulta sa pagkakadakip sa anim na miyembro ng CTG sa Baras, Rizal; P/Lt. Col. Hoover Antonio, Force Commander ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company na nakapigil sa posibleng pagpapasabog sa mall at palengke sa Sultan Kudarat noong Novembre 2020 at PLt Carlo Magno na miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay na matagumpay na nagpasuko sa 38 miyembro ng CTG-Pulang Bagani Command, Southern Mindanao Command at susi sa tagumpay ng NTF ELCAC.
Ayon kay Aguirre, ang katapangan at dedikasyon ng tatlong opisyal ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang miyembro ng PNP at government officials upang tuparin ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Kinilala rin sa okasyon si Dr. Manuel Co na ginawaran ng Community Service Award dahill sa pagsisilbi nito ng mahigit dalawang dekada bilang Chairman ng Corrections Pillar ng NAPOLCOM Technical Committee on Crime Prevention and Criminal Justice.
Si Senator Christopher Lawrence Bong Go ang nagsilbing Guest of Honor and Speaker ng virtual anniversary program na may temang “NAPOLCOM@55: Meeting the Challenges of the Better Normal”.
- Latest