OVP regional offices magbibigay tulong pang medikal, libing — spox
MANILA, Philippines — Maaari nang dumulog sa regional office ng Office of the Vice President ang sinumang nangangailangan ng tulong medikal o panglibing.
Ito'y matapos magtalaga ni Vice President Sara Duterte ng mga serbisyong panlipunan gaya ng medical at burial assistance sa mga satellite office ng kanyang tanggapan.
"These established satellite offices across the country will widen the program’s reach and will guarantee a better provision of assistance," ani VP spokesperson Reynold Munsayac sa isang pahayag, Miyerkules.
Maaaring magamit ng publiko ang naturang service programs sa mga partner hospital ng OVP o kaya nama'y sa pamamagitan ng direktang walk-in application.
Para sa kargdagang impormasyon tungkol sa social services ng OVP, magpunta lang sa link na ito.
Nito lamang Biyernes, Hulyo 1, nang magbukas ng mga satellite office ang OVP sa labas ng Metro Manila, partikular na sa mga remote area na siyang "handpicked strategically" sa bawat rehiyon.
Ani Munsayac, bahagi ito ng “earnest efforts” ni Duterte sa pagbibigay ng madaling access ng publiko sa kanilang social services.
"These satellite offices were opened to assist individuals to access help, and for swifter response in times of disasters," saad niya sa isang press release noong Lunes.
Bukas na ang OVP regional office sa Dagupan, Cebu City, Tacloban City, Zamboanga City, Davao City, at Tandag, Surigao del Sur. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles
- Latest